Sino si Cupid at sino si psyche

Sagot :

Si Cupid at Psyche  

   Buod ng Kwento ng Pagmamahalan ni Cupid at Psyche

         Noong unang panahon sa isang kaharian may tatlong magkakapatid na parehas magaganda. Si Psche ang bunso ang may pinaka magandang mukha at sinasamba ng mga kalalakihan. Ang mga kapatid niya ay may sarili ng mga buhay at siya na lamang ang wala.

          Sa Kaharian ng mga Diyosa, nagagalit si Venus dahil tinalo siya sa kagandahan ni Psyche. Mas marami ang nag-aalay kay Psyche kaysa sa kanya na pinaka magandang Diyosa. Agad niya inutusan ang anak na si Cupid na pumunta sa mundo ng mga mortal at paibigin si Psyche.  Nabighani si Cupid sa kagandahan ni Psyche at siyay umibig ngunit inilihim niya sa kaniyang ina.  Malungkot si Psyche dahil walang umiibig sa kanya.

          Nabahala ang kaniyang ama at nakiusap kay Apollo. Ngunit bago pa ang ama ni Psche nauna na si Cupid na makiusap kay Apollo. Dinala si Psyche ng kanyang ama sa itaas ng burol at iniwan siya nito. Agad siyang hinipan ni Zephyr sa isang maaliwalas na kaharian at nakilala ang kanyang mapapangasawa. Malungkot pa rin si Psyche sapagkat gusto na niyang makita ang kanyang mga kapatid ngunit tinutulan ng kanyang asawa. Naawa ang asawa niya kya pinayagang makita ang kapatid. Agad na nagkaroon ng suspetsa ang kapatid na halimaw ang asawa ni Psyche. Kaya inutusan nila na patayain si Cupid laking tuwa niya ng makita na hindi ito halimaw. Iniwan siya ni Cupid dahil sa pagtitiwalang nawala.

           Hinanap niya ang lalaki at napadpad kay Venus agad na nagalit si Venus at binigyan  nito ng maraming pagsubok. Sa awa ng mga Diyos alampasan lahat at nagkita sila ni Cupid. Ipinatawag ang mga Diyos at Diyosa upang ikasal silang dalawa. Dito naging imortal si Psyche at tinanggap na din ni Venus.

            Si Cupid ang anak ni Venus na umibig kay Psyche at naging asawa nito at si Psyche ang babaeng pinaka maganda ngunit walang umiibig. Nagig Diyosa sa lugar ng imortal.

Para sa karagdagang impormasyon sumannguni sa link:

https://brainly.ph/question/304673

https://brainly.ph/question/2191989

#LearnWithBrainly