ano ang kahalagahan ng ekonomiks bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan?

Sagot :

Ang kahalagahan ng ekonomiks sa atin bilang isang mag aaral, kasapi sa pamilya at lipunan

1. Dahil sa ekonomiks marunong tayo tumingin at mag tantiya ng mga gastusin sa bahay.

2. Dahil sa ekonomiks nagiging marunong tayo tumingin ng ibat ibang presyo sa produkto bago bumili.

3. Dahil sa ekonomiko marunong tayo umintindi kong bakit biglang bumaba ang presyo at bigla naming tumaas.

4. Dahil sa ekonomiks nagiging marunong tayo kong ano lang ang dapat bilihin.

5. Naging marunong tayo mag badyet

6. Naging mapagmasid tayo kong saan makakabili ng murang mga bilihin.

7. Dahil sa ekonomiks nagiging marunong tayo umintindi ng supply at demand sa merkado.

Ang ating lipunan ay napaligiran ng ibat ibang negosyo, nakakita tayo ng ibat ibang produkto at serbisyo na tinatangkilik ng mga konsumidor. Kinakailangan ng bawat isa, mag aaral, kasapi sa pamilya at mga tao sa lipunan na marunong umintindi sa simpleng galaw ng ating ekonomiya para rin makapag desisyon kong ano lang bibilhin at kong magkano lang badyet at kailan bumili ng produkto at serbisyo. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na mahalaga sa bawat tao katulad ng pang araw-araw na pamumuhay at paggalaw. Ang ekonomiks ay tumutukoy sa pangangailangan ng tao, dahil ang pangangailangan ng tao ay walang katapusan, Ang ekonomiks ay sumusukat ng bawat produksyon, consumption at kayamanan at limitadong mga rekurso.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksang ito, bisitahin lamang ang link na ito

https://brainly.ph/question/582494

https://brainly.ph/question/1498960

https://brainly.ph/question/110447

May dalawang sangay ng Ekonomiks

  • Maykroeconomiks
  • Makroekonomiks

Ang maykroekonomiks ay tumutukoy sa mga maliliit na yunit ng ekonomiya kabilang dito ang pagdedesisyon, pagpili ng produktong gagamitin at paglaan ng mga limitadong rekurso.  

Ang makroekonomiks ay isang bahagi ng ekonomiks na sumusuri ng kabuoang ekonomiya ng bansa, kabilang na dito ang Gross domestic product, Employment rate, National income, Importation at exportation.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksang ito, bisitahin lamang ang link na ito

https://brainly.ph/question/321958

https://brainly.ph/question/560465