Answer:
Halimbawa ng Pakikipag-ugnayan sa mga Kasing-edad
- Pakikipagkaibigan sa mga kasing-edad
- Pakikipag-usap tungkol sa mga paboritong artista, movie, teleserye, pagkain at marami pang iba.
- Pakikinig sa mga problema ng kaibigan at pagbibigay ng payo kaugnay nito.
- Pakikipag-usap sa mga "trending" na paksa at pinaguusapan sa kasalukuyan o mga mahahalagang pangyayari sa lipunan.
- Pagbabahagi ng mga pangarap sa buhay.
Ang pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad ay isa ring paraan upang mapaunlad ang pakikipagkapwa-tao.
Mga Prinsipyo at Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa
Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa sa pamamagitan ng:
- kakayahang umunawa sa damdamin ng kapwa
- pakikinig at pagsagot nang ayon sa sinasabi ng iyong kausap
- pagpapakita ng empathy o ng kakayahang ilagay ang sarili sa sitwasyon ng taong kausap, upang maramdaman ang kaniyang nararamdaman at maunawaan ang ibig niyang sabihin
- pagmamalasakit at pagiging maalalahanin sa kapwa
- pagtulong at pakikiramay sa kapwa
- pagsusumikap na mapanatili ang kapayapaan at kasiyahan
- pag- iwas sa mga sitwasyong magbubunga ng di pagkakasundo o pagtatalo.
Para sa karagdagang kaalaman magtungo sa mga link na;
Kahulugan ng Pakikipagkapwa-Tao: brainly.ph/question/1060571, brainly.ph/question/833022
#LetsStudy