ano ang kahulugan ng" nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa

Sagot :

Ang kahulugan ng “nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa” ay ito: ang Diyos ay maawain pero kinakailangan pa rin na magsumikap ang mga tao. Kahit na makapangyarihan ang ating Diyos, hindi ito nangangahulugan na maaari nang magsa-walang bahala lamang ang mga tao. Upang makamit ang tagumpay, kailangan ng mga tao ang pananalig sa ating Diyos at kasipagan sa buhay.

Narito ang iba pang detalye tungkol sa linyang “nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa”.

Ang kahulugan ng “nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa”

  • "Nasa Diyos ang awa": Ang Diyos ay likas na maawain, mahabagin at mapagmahal. Tiyak na hindi niya pababayaan ang mga tao sa mundo.
  • "Nasa tao ang gawa": Ngunit sa kabila nito, dapat pa ring tandaan ng mga tao na gawin ang parte at responsibilidad nila. Kailangan pa rin nilang magsumikap, magsipag at kumilos upang mabuhay ang mga sarili. Hindi dapat sila maging tamad at kampante. Walang mangyayari kung hindi kikilos ang mga tao sa mundo.
  • "Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa": Parehong kailangan ng mga tao ang pananalig sa ating Diyos at kasipagan sa buhay.

Ang Kahulugan ng Salawikain

  • Ang linyang “nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa” ay isang salawikain.
  • Ang mga salawikain ay parte ng panitikan ng Pilipinas. Ang mga ito ay maiikling pangungusap na makabuluhan sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
  • Ang mga ito ay tinuturing din na mga gintong aral.
  • Narito ang mga karagdagang detalye tungkol sa salawikain: https://brainly.ph/question/308111

Iba pang mga Halimbawa ng mga Salawikain

Narito ang iba pang halimbawa ng mga salawikain na ginagamit ng mga Pilipino:

  • “Daig ng taong maagap ang taong masipag.”
  • “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.”
  • “Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.”
  • “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.”
  • Narito ang marami pang halimbawa ng mga salawikain: https://brainly.ph/question/282295 at https://brainly.ph/question/325887

Iyan ang kahulugan ng linyang “nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa”.