Malaki ang naging interaksyon ng kapaligiran sa sinaunang Ehipto. Ang ilog ng Nile ay naging pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng mga tao. Ayon sa mga historians, ang ilog ng Nile ay kilala sa katabaan ng lupa nito, isang mahalagang kondisyon para magkaroon ng magandang ani. At hindi kayagaya ng ibang pangunahing ilog sa sinaunang kasaysayan, ang Nile ay mayroong mga steady at consistent na cycles ng pagtaas o pagbaba nito. Dahil dito, naging mas madali ang agrikultura at nagkaroon ng surplus sa pagkain, na nagresulta naman sa pagkakaroon ng panahon ng maraming tao para magibgay ng atensyon sa ibang aspeto ng sibilisasyon.
Isa pang naging malaking kontribusyon ng Nile sa sinaunang Ehitpo ay ang pagiging pangunahing daan nito para sa kalakal, at transportasyon. Dahil dito, naging madali ang pagikot ng kayamanan sa Ehipto.