Sagot :
Ang anyong tubig at anyong lupa ay uri ng ating likas na yaman marami ang mga aportunidad o kapakinabang sa mga likas na yamang ito. Sa katunayan sila ang dahilan sa maunlad na ekonomiya ng isang bansa.
Oportunidad ng anyong tubig
- Pangunahing pinagkakakitaan ng mga mangingisda, dahilan upang makapag aral ang mga anak at matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
- Pinagkukunang ng ibat- ibang isda, alimango,pusit mga korales na pwedeng iexport sa ibang bansa.
- Ginagamit ang mga anyong tubig na transportasyon sa kalakalan sa mga karatig na lugar o bansa.
- Ang mga anyong tubig ang kalimitang atraksyon sa mga dayuhang turista tuwing tag-init
Oportunidad ng anyong Lupa
- Pangunahing pinagkukunan ng mga magsasaka ng kanilang ikinabubuhay .
- Pinagkukunan ng ibat-ibang uri ng halaman, prutas at mga halamang gamot.
- Ang ating kalupaan ay ginagamit din nating transportasyon sa pakikipagkalakalan sa mga karatig lugar.
- Ang ating kalupaan ang tinatayuan ng mga imprastraktura, mga pabrika.
- ang ating kalupaan ay mayaman din sa mga mineral kagaya ng ginto, copper, diamond,marmols at marami pang iba.
Tunay ngang ang ating anyong tubig at anyong lupa ay napakalaki ng ating pakinabang, dahil sa kanila tayo umaasa ng ating mga ikinabubuhay, Mga puno at halaman na nakatanim sa ating kalupaan kung saan kumukuha tayo ng ating mga pagkain sa araw araw. Ang anyong tubig naman ay pinagkukunan natin ng maiinom sa araw araw kagamitan sa pag liligo at paglilinis sa ating mga tahanan. Pinagkukunan din ng mga isda na atin ding kinakain. Kaya pangalagaan natin sila at huwag sisirain.
Bukas para sa karagdagang kaalaman
mga oportunidad ng anyong lupa at anyong tubig mga banta at panganib https://brainly.ph/question/34215
oportunidad ng anyong lupa https://brainly.ph/question/128185
kahalagahan ng anyong tubig https://brainly.ph/question/35473