Sagot :
Answer:
Pagkakaiba ng Bugtong at Palaisipan
Ang bugtong ay isa sa mga usong libangan ng mga bata noon hanggang ngayon. Ito ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan, ito rin ay uri ng palaisipan na nasa anyong patula. Samantalang ang palaisipan o logic ay kilala rin bilang bugtong, pahulaan, o patuturan, ito ay isang tanong o pangungusap na may iba o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin o hulaan. Ito ay payak at simple na umaasa lamang sa patudyong gamit ng tanong at sagot.
Mga Halimbawa ng Bugtong
1. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
Sagot: Niyog
2. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso
Sagot: Santol
3. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa
Sagot: Kalabasa
4. Maliit na bahay, puno ng mga patay
Sagot: Posporo
5. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari
Sagot: Zipper
6. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig
Sagot: Asin
7. Naligo si Kaka, ngunit hindi man lang nabasa
Sagot: Dahon ng Gabi
8. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin
Sagot: Sombrero
9. May balbas ngunit walang mukha
Sagot: Mais
10. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan
Sagot: Kamiseta
11. Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay Negro
Sagot: Duhat
12. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo
Sagot: Walis
13. Nang ihulog ko ay ay buto, nang hanguin ko ay trumpo
Sagot: Singkamas
14. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona
Sagot: Bayabas
15. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona
Sagot: Bayabas
16. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: Paruparo
17. Buto’t balat lumilipad.
Sagot: Saranggola
18. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka
19. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok
20. Eto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga paa
21. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis
Sagot: Sili
22. May isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
23. Matanda na ang nuno di pa naliligo
Sagot: Pusa
Halimbawa ng Palaisipan
1. Ano ang nakikita mo sa gitna ng Dagat?
Sagot: G
2. Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?
Sagot: Kasi nakasara,bakit bubuksan mo pa ba kung bukas na.
3. Anong isda ang lumalaki pa?
Sagot: Yung bata pa.
4. Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna?
Sagot: Donut na may butas sa gitna
5. Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking buksan ito ay naging pabilog, At nang aking kainin ito ay naging tatsulok.
Sagot: Pizza Pie
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na:
Mga Katotohanan Tungkol sa Bugtong: brainly.ph/question/1121716 , brainly.ph/question/688086, brainly.ph/question/1962746
Iba pang Halimbawa ng Palaisipan: brainly.ph/question/258458, brainly.ph/question/496008
#LetsStudy