Ano ang kabuluhan ng planetang daigdig,kontinente,klima,relihiyon at wika?

Sagot :

Ang planetang daigdig ang natatanging planeta na maaaring magpanatili ng lahat ng uri ng buhay, maaaring tao, mga hayop at iba pang organismo. Ang kontinente naman ang  bitak bitak na masa ng lupa kung saan naisilang ang iba't ibang kabihasnan at kaugalian na patuloy nating pinapahalagahan ngayon. Ang klima naman ang kalagayan ng atmospera na siyang nakakatulong sa pagpapayabong ng iba't ibang gawain tulad ng pang-agrikultura. Ang relihiyon naman ay ang kalipunan ng mga ritwal o paniniwala na siyang batayan ng mga moral at espiritwal na desisyon ng mga tao. Samantalang wika ang kaluluwa ng kultura at ito ang ginagamit para sa komunikasyon at upang maipalaganap ang iba't ibang uri ng kultura at kaugalian.