Ano ang teorya ng Wika?

Sagot :

Marami ang teoryang ipinakilala tungkol sa pinagmulan ng wika tulad ng teoryang ding dong, bow wow, pooh pooh, yo-he-ho, ta-ra-ra-boom-d-ay at teoryang ta-ta. 

Ang teoryang ding dong ay naniniwalang ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay.

Ang teoryang Bow Wow ay naniniwalang  ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao.
Ang teoryang Pooh Pooh ay naniniwalang ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan.

Ang teoryang Yo-he-ho ay naniniwalang natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersa pisikal.

Ang teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay naniniwalang ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna'y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba't ibang kahulugan.

Ang teoryang Ta-ta ay naniniwalang ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkauto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita.