Ang Alegorya ng Yungib na isinalin ni Wilita A. Enrijo ay isinulat ni Plato, isang pilosopo sa Griyego. Ito ay isang dyalogo tungkol sa epekto ng pag-aaral at ang kakulangan ng mga ito sa ating kalikasan. Ang pag-uusap ni Glaucon, kapatid ni Plato, at ng kanyang tagapagturo na si Socrates, ay nakakatulong sa pagbuo ng sariling pananaw upang magkaroon ng kamalayan tungkol sa kaugalian at kultura ng bansang kinabibilangan.