ayon sa alegorya ng yungib,ipaliwanag ang mahahalagang natutuhan ng bilanggo mula sa pag tingin sa liwanagna na nasa labas ng yungib.

Sagot :

Ayon sa alegorya ng yungib kapag ang bilanggo ay titingin sa liwanag na nasa labas ng yungib ay matututo siyang hindi magiging madali ang pagpunta roon. Maaaring ang mismong katotohanan na nandoon ang siyang susugat sa kanyang mga matang mahina pa dahil nasanay itong tumingin sa dilim sa loob ng yungib. Maaari ding ang pagtingin sa labas ng yungib ay makapagbigay sa bilanggo ng ibang pananaw tungkol sa katotohanang nasa loob ng yungib at sa katotohanang nasa labas nito.