Sagot :
Ang ibig sabihin ng “Kung hindi ukol, ay hindi bubukol” ito ay tumutukoy sa mga bagay na kahit anong pilit mo na mapasaiyo ay hindi mo makakamit kahit ano pa ang gawin mo.Ang isang halimbawa nito ay tungkol sap ag-ibig kung hindi nakalaan sayo ang isang tao kahit ano pa ang gawin mong pakikipaglaban para sa taong minamahal mo kung hindi talaga siya nakalaan para sa iyo ay wala ka nang magagawa masasaktan ka lamang kung ipagpipilitan mo ang mga bagay na hindi naman talaga naka laan sa iyo. Buksan mo na lamang ang iyong puso at isipan at manalaig na ang panginoon ay may sadyang inilaan para sayo maghintay ka lamang at dadating iyon sa takdang oras at panahon.
Ang Kung hindi ukol,ay hindi bubukol ay isang halimbawa ng salawikain,Ang salawikain ay nangangahulugan ng mga salitang matalinhaga na mayroong mga nakatagong kahulugan.Ito ay bahagi ng ating panitikan,mga salitang pinagsalin salin mula pa sa ating mga ninuno hanggang sa makabagong hinerasyon. Ang salawikain ay mahalaga sa buhay ng isang Pilipino. Ito ay nag iiwan ng aral at pilosopiya sa bawat mambabasa.Ang ilan sa ating mga salawikain ay tumatatak na sa ating mga isipan lalo na ang mga salawikain na nagmula sa ating magigiting na mga bayani.
Ang iba pang halimbawa ng mga halimbawa ng salawikain:
- Pera na,naging bato pa.
- Daig ng maagap ang masipag.
- Pagkahaba haba daw man ng prusisyon,ay sa simbahan din ang tuloy.
- Lahat ng gubat ay may ahas.
- Kung ano ang puno, ay siya rin ang bunga.
- May tainga ang lupa,may pakpak ang balita
- Kung ano ang iyong itinanim ay siya mo ring aanihin.
- Kung ano ang ayaw mo gawin sayo,huwag mo ding gawin sa iba.
- Pag ang pag-ibig ang pumasok sa sino man,lahat ay hahamakin masunod ka lamang.
- Ang anak na ayaw paluhain,tiyak ina ang paiiyakin.
Buksan para sa karagdagang kaalaman:
https://brainly.ph/question/1643226
https://brainly.ph/question/221152
https://brainly.ph/question/495521