Sagot :
Mga Halimbawa ng Pandiwa na nagpapahayag ng Aksyon
- Tumalima si Jared sa lahat ng gusto ni Chloe.
- Naglakbay si Marc patungo sa Antipolo.
- Naglaba ng maruruming damit si Ate.
- Nag-igib ng tubig si bunso.
- Nagmasid ng laro si Kuya.
Mga Halimbawang Pandiwa na nagpapayag ng Karanasan
- Umiyak si Maria dahil sa pagkamatay na kanyang pusa.
- Nalungkot ang lahat nang malaman ang masamang pangyayari.
- Nagulantang ang lahat sa masasakit na pananalita ni Mona.
- Naawa ang ale sa nabundol na dalagita.
- Namangha si Rowee sa ganda ni Weng.
Mga Halimbawa ng Pandiwa na nagpapahayag ng Pangyayari
- Nalunod ang mga tao sa matinding baha.
- Nasira ang buhay ni Bryle nang dahil sa droga.
- Nasunog ang bahay dahil sa kandilang naiwan na nakasindi.
- Naglayas si Rian dahil sa pagmamaltrato ni Berna.
- Iniwan ni Cris ang asawa dahil sinungaling at manloloko ito.
Ang Pandiwa o berbo at verb naman sa wikang Ingles ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. At maaaring gamitin bilang aksyon, karanasan at pangyayari.
Ginagamit ito bilang aksyon kapag may aktor o tagaganap ng kilos. Nakikita ito sa pamamagitan ng panlaping mang, magma, maki, atbp.
Ang pandiwa bilang karanasan naman ay kadalasang naipapahayag kapag may damdamin ang pangungusap at may tagaramdam ng emosyon o damdamin na nakapaloob sa pangungusap.
Ang pandiwa naman bilang pangyayari ay nasasalamin sa aksyong naganap bunga ng isang pangyayari.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Kahulugan ng Pandiwa tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/110451
Uri ng Pandiwa
- PALIPAT - Pandiwang may tuwirang layong tumatanggap sa kilos. Karaniwang kasunod ng pandiwa ay ang layon.
- KATAWANIN - Hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layong tatanggapin ng kilos at nakakatayo na itong mag-isa.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa uri ng Pandiwa bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/479541
Mga Aspketo ng Pandiwa
- Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
- Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
- Aspektong Naganap o Perpektibo
Para sa mga kahulugan at halimbawa ng mga Aspekto ng pandiwa tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/541768