Ang tropiko, sonang tropikal o mga bansang tropikal ang klima ay mga nasa heograpikong rehiyon sa daigdig at naka-sentro sa ekwador.
Nililimitahan ito sa latitud ng dalawang tropiko:
ang Tropiko ng Cancer sa hilaga at ang Tropiko ng Capricorn sa timog na hemisperyo, gaya ng Pilipinas.
Ang rehiyong ito ay nakalatag sa pagitan ng 23.5° H latitud at 23.5° T latitud.
Ang mga parte ng lupa dito ay direktang tinatamaan ng araw nang maski isang beses lang sa isang taong solar.
Hindi ito nagagawa ng araw sa lampas hilaga ng Tropiko ng Cancer at lampas timog ng Tropiko ng Capricorn.