pagkakakilanlan sa kontinente

Sagot :

Ang pitong kontinente sa daigdig ay kinabibilangan ng Asya, Europa, Australia, Hilagang-Amerika, Timog Amerika, Antartika at Africa. Ang Asya ang pinakamalaki sa pitong kontinente sa buong daigdig na siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng lahat ng kultura at paniniwala dulot ng kabihasnan na humubog sa mga paniniwalang ito. Ang Europa ay napapalibutan ng Karagatang Artiko sa hilaga, Atlantiko sa kanluran, ng Dagat Mediteraneo at Dagat Itim sa timog, at ng Kabundukang Ural sa silangan. Ito ang tinaguriang pangalawa sa pinakamaliit na kontinente sa buong mundo na siyang sumunod sa Australia kung lawak ang siyang pagbabasehan. Ang Australia ay malinaw na siyang pinakamaliit na kontinente sa pitong kontinente sa daigdig ngunit ikaanim na pinakamalaking bansa sa daigdig dahil ito lamang ang nag-iisang bansa na sumasakop sa iisang kontinente. Ang Hilagang - Amerika ay tinaguriang pangatlo sa pinakamalaking kontinente sa daigdig ayon sa sakop nito na siyang sumunod sa  Asya at Aprika samantalang pang-apat naman sa laki ayon sa populasyon, pagkatapos ng Asya, Aprika at Europa. Ang Timog Amerika naman ay ika-apat kung laki ang pagbabatayan samantalang ikalima naman kung populasyon ang pagbabatayan. Ang Antarktika ay nasa pinakadulo ng daigdig na natatakpan ng yelo ang halos kabuuan nito kaya't napakalamig dito. Ang Africa naman ay pumapangalawa kung laki at populasyon ang pagbabatayan.