Subject: Filipino
PANANAMPALATAYA
- Nais iparating ng mensahe na ito na kailangang magkaroong ng tiyaga, sipag at pagtitiis sa kahit ano mang nais mong marating sa buhay. Kailangang samahan ng gawa ang iyong mga sinasabi at hihilingin sa Panginoon dahil ang Poong May-kapal ang gagabay sa araw –araw ng iyong buhay. Huwag lang puro salita at humihiling sa Panginoon na walang kaakibat sa gawa sapagkat ang Panginoon ay laging nariyan upang tumulong sa atin. Maraming mga tao dito sa mundo na nagsasalita lamang at hindi sinasamahan ng kaakibat na gawa.
Ang mga sumusunod ay mga paraan upang makamit ang iyong mga minimithi sa buhay;
1. Gamitin ang yong oras sa tama at huwag itong aksayahin sapagkat bawat sigundo ay mahalaga . Huwag laging makipagkwentuhan sa mga kaibigan upang hindi maaksaya ang mga oras na ibinigay sa atin.
2. Kailangang may vision sa buhay sapagkat ito ay nagiging susi upang mayroong patutunguhan ang iyong buhay.
3. Humingi ng payo sa nakakatanda at mapagkatiwalaang tao.
4. Humingi ng gabay sa May-Kapal upang lalong pagpalain.
5. Kailangang kumilos at isagawa sa lahat ng hinihiling sa Panginoon, sabi nga sa bibliya ang pananampalatayang walang gawa ay patay.
Para sa karagdagang impormasyon, buksan ang link na nasa ibaba;
brainly.ph/question/306370
brainly.ph/question/1296117
brainly.ph/question/459037
#BetterWithBrainly