Sagot :
Answer:
"Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy"
Ang salawikain na ito ay nangangahulugang sa tinagal ng ligawan at suyuan, hanggang sa sinagot, at matagal ng pagsasamahan bilang magkasintahan at sa dami ng mga pagsubok at hamon na nalampasan na magkasama sa huli ay sila pa rin pala ang nakatadhanang magsama habang buhay at sa simbahan din ang kanilang tuloy upang mangako sa harap ng Diyos ng panghabambuhay na pagsasama at pagmamahalan.
Salawikain
Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan. Ito ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay, karaniwang sambitin ito ngayon na pwede nating gamitin sa totoong buhay.
Iba pang Halimbawa ng Salawikain
- Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit
- Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa
- Lahat ng gubat ay may ahas
- Kung ano ang puno, siya ang bunga
- Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin
- Kung may isinuksok, may madudukot
- Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
- Kapag may isinuksok, may madudukot.
- Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.
- Kung may tinanim, may aanihin.
- Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili.
- Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
- Ano man ang iyong gagawin, makapitong beses dapat iisipin.
- Sala sa lamig, sala sa init.
- Ang tunay na kaibigan, makikilala sa oras ng kagipitan.
- Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na:
Iba pang Halimbawa ng Salawikain: brainly.ph/question/655595
Pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan: https://brainly.ph/question/12284
#LetsStudy