Sagot :
Kasagutan:
Cupid at Psyche
Psyche- Si Psyche ay isang napakagandang prinsesa at asawa ni Cupid
Cupid- Si Cupid naman ay asawa ni Psyche at anak ni Venus
Venus- Siya ay ina ni Cupid na kinamumuhian naman si Psyche
Buod ng kwento ni Cupid at Psyche
Si Psyche ay isang prinsesa na napakaganda kaya ang diyosa na si Venus ay nagseselos sa kanya. Bilang paghihiganti, inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid na paibigin ang dalaga sa isang nakatagong halimaw; ngunit sa halip ay si Cupid mismo ang umibig kay Psyche. Si Cupid ay naging asawa ni Psyche ngunit hindi siya nagpapakita sa dalaga, binibisita lamang niya ang dalaga sa gabi. Sinuway ni Psyche ang utos ng asawa na huwag subukang tumingin sa dito, at sa pagtingin niya sa asawa ay nawala si Cupid sa kanya. Sa paghahanap ni Psyche para sa asawa ay marami siyang pinagdaanang pagsubok na itinakda ni Venus sa pag-asang mapabalik siya. Sa katagalan ay hindi na makaya ni Cupid na masaksihan ang pagdurusa ni Psyche. Sa huli ay naging imortal si Psyche at nagpakasal na silang dalawa.
#AnswerForTrees
Answer:
Cupid- si Cupid ay ang Diyos ng pag-ibig na asawa ni Psyche at anak ni Venus.
Psyche- Isang magandang dalaga at asawa ni Cupid.
Venus- Si Venus ay ang Diyosa ng kagandahan na Ina ni Cupid. Siya ay tutol sa pagmamahalan ni Cupid at Psyche.
#AnswerForTrees