Ano ang ibig sabihin ng climate change?

Sagot :

Ang Climate change o tinatawag ding Pagloloko ng Klima ay nangangahulugan ng malawakang pagbabago ng panahon sa ibat-ibang parte ng daigdig. Ito ay nadarama sa unti unting pag-init ng mundo na kadalasan ay tinatawag na Global Warming ito ay atin makikita din sa pagtunaw ng mga Glaciers o ice caps sa Antartiko sobrang pagkatuyot at pagbaha at paglaganap ng mga sakit hindi lamang sa mga tao kundi pati narin sa halaman at hayop.

Mga senyales ng Climate Change

  • Ang matinding pag-init o tagtuyot
  • Ang pagtaas ng antas ng tubig-dagat
  • Ang malalakas na bagyo

Mga epekto ng Climate Change

  1. Ang pagbaba ng ani ng produktong agrikultura.
  2. Ang pagkakaroon ng mga bagong sakit.
  3. Ang pagkamatay o pamumuti ng mga korales sa dagat.
  4. Ang pagkaubos o pagbaba ng populasyon ng samu't-saring buhay.
  5. Ang pagbaha at pagguho ng mga lupa.

Greenhouse gases na nagpapainit ng Mundo.

  • Carbon Dioxide
  • Methane
  • Nitrous Oxide
  • Hydrofluorocarbon
  • Perfluorocarbon
  • Sulfur Hexafluoride

Bukasa para sa karagdagang kaalaman

sanhi at epekto ng climate change https://brainly.ph/question/2223457

palatandaan ng climate change https://brainly.ph/question/2247850

iba pang epekto at sanhi ng climate change https://brainly.ph/question/807667