Buong kahulugan ng arkipelago???

Sagot :

Ang Arkipelago

Ano ang arkipelago?

Ang arkipelago o kapuluan ay mga pulo (https://brainly.ph/question/573236) na matatagpuan sa isang malaking katubigan tulad ng karagatan. Ang mga pulo na ito ay grupo.

Ang pagkakabuo ng mga pulo sa isang karagatan ay maaaring nabuo mula sa pumutok na bulkan sa ilalim ng tubig Maliban dito, isa ring sanhi ng pagkabuo ng isang pulo ay ang mga prosesong natural na nagaganap sa kapaligiran gaya ng deposisyon at erosyon. Ang isang pulo ay maaaring mag isang nabuo o may kasama o malapit sa isa pang pulo.

Ang Pilipinas bilang isang Arkipelago

Ang bansang Pilipinas ang isa sa mga kilala na kapuluan o arkipelago. Pangalawa ang Pilipinas sa pinakamalaking kapuluan o arkipelago sa Asya, pangalawa sa Indonesia.

Ang Pilipinas ay binubuo ng humigit kumulang pitong libo at isang daan na mga maliliit at malalaking isla. Nahahati naman ito sa tatlong malalaking pulo, ang Luzon, Visayas, at Mindanao. At ang bawat malaking pulo ay kinabibilangan ng labing pitong mga rehiyon. Ang bawat rehiyon ay ay binubuo naman ng mga lalawigan, lungsod, munisipyo at mga barangay.

Mga kilalang arkipelago

Mga halimbawang lugar na kilalang arkipelago o kapuluan :

  • Indonesia
  • Japan
  • Maldives
  • New Zealand
  • Hawaii
  • Bahamas
  • Puerto Rico
  • Greece

#BetterWithBrainly