Sagot :
Ang 5 na tema ng Heograpiya:
- Lokasyon
- Lugar
- Rehiyon
- Interaksyon ng Tao at Kapaligiran
- Paggalaw
Mga Limang Tema ng Heograpiya
Ang National Council for Geographic Education (NCGE) at ng Association of American Geographers (AAG) ay nagbalangkas sa limang magkakaugnay na temang heograpikal noong 1984. Ang layunin o ibanghay para sa atin ng mga temang heograpikal na ito na gawing mas simple ang pag-aaral ng heograpiya na ito ay bilang isang disiplina ng agham panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito na mga lokasyon, lugar, rehiyon, interaksyon ng tao at kapaligiran at ang panglima ay ang paggalaw. Mas madali ang pagunawa ng mga tao ang daigdig na kaniyang ginagalawan.
Ang Limang Tema ng Heograpiya
Lokasyon:
Lokasyon - Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. Ito ay may dalawang pamamaraan sa pagtukoy.
- Lokasyong Absolute - ito ay ginagamitan ng mga linya tulad ng latitude line at longitude line na nakabuo sa grid yung may mga (°) degrees na tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar.
Example sa Lokasyon Absolute: Ang bansang Singapore ay nasa 1° 20' hilagang latitude at nasa 103° 50' silangang longitude.
- Relatibong Lokasyon - ang batayan nito ay ang mga lugar at bagay na nasa paligid nito. Katulad ng mga anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng tao.
Example sa Relatibong Lokasyon: Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel at silangan ng West Philippine Sea.
Lugar:
Lugar - Tumutukoy ito sa mga katangiang natatangi sa isang pook. Ito rin ay may dalawang pamamaraan sa pagtukoy. Ito ay ang;
- Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at ang mga likas na yaman nito.
Example: May tropikal na klima ang Pilipinas.
- Ang mga katangian ng mga mamamayan na naninirahan doon tulad ng wika, relihiyon, dami ng tao, kultura, at mga sistemang politikal.
Example: Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia. At Español ang wikang ginamit sa mga taga-Mexico.
Rehiyon:
Rehiyon - Ito ay ang pagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural, katulad ng ASEAN.
- Example: Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Interaksyon ng Tao at Kapaligiran:
Interaksyon ng Tao at Kapaligiran - ito yung kaugnay ng mga tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan.
- Yung kapaligiran na pinagkukunan ng pangangailangan ng mga mamamayan; gayon din ang pakikiayon ng tao sa mga pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran.
Example: Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino, kasi napapalibutan ito ng dagat.
Paggalaw:
Paggalaw - ang paglipat o pangingibang-bansa ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar. Ito ay may tatlong uri ng distansiya ang isang lugar.
- Linear-Gaano kalayo ang isang lugar.
- Time - Gaano katagal ang paglalakbay.
- Psychological - Paano tiningnan ang layo ng lugar
Example: Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Saudi upang magtrabaho.
For more info:
Ano ang Heograpiya?
brainly.ph/question/2176267
#AnswerForTrees
#BrainlyLearnAtHome