Sagot :
Ang kasingkahulugan ng pihikan ay mapili, maselan, may kinikilingan at maarte na ang ibig sabihin ay namimili lang kung ano lamang ang kanyang nagustuhan. Ang kasalungat naman nito ay hindi mapili, walang kinikilingan, hindi maselan at walang kaartehan na ang ibig din sabihin ay iniisip nito ang pananaw ng iba at hindi sa sariling kagustuhan lang
Anu-ano nga ba ang mga palatandaan ng taong pihikan?
Ito ay ang mga sumusunod na halimbawa:
1. Pagdating sa pagkakaroon ng kasintahan ay may standard siyang hinahanap, at kung sa sampung standard na yun ay may tatlong hindi niya nakita, ito ay di makapasa sa kanya.
2. Pagdating naman sa pagkakaroon ng mga kaibigan, ang taong pihikan ay talagang namimili ng kanyang makakasama.
3. Sa pagkain naman, ang taong pihikan ay sobrang maarte sa pagkain.
4. Kung sa mga isusuot naman, ang taong pihikan ay talagang namimili ng mga mamahalin at magagandang kasuotan.
5. Sa pakikisama naman ang taong pihikan ay di maparaya at kagustuhan lamang nito ang siyang gustong masunod.
Mahirap unawain ang taong pihikan pagdating sa mga pangangailangan dahil gusto talaga makamit ang kagustuhan nito, maliban na lamang sa mga may kaya sa buhay ay di mahirap maging pihikan dahil kayang bilhin nito ang kahit anumang pangangailangan.
Ano naman ang palatandaan ng kasalungat sa taong pihikan?
Mga palatandaan sa taong hindi pahikan:
● Kontento ito sa kung ano lang ang kanyang nakakamit.
● Hindi mapili sa magiging kasintahan.
● Hindi maarte sa kahit anong sitwasyon sa buhay.
● Kayang makibagay kahit kanino.
● Marunong umunawa kahit kanino.
Ang taong di pihikan ay mas madaling pakisamahan dahil mas gusto niyang simpleng buhay at hindi na naghahangad pa ng sobra.
Karagdagang impormasyon ang mga link sa ibaba:
Ano ang kasalungat ng pihikan?
https://brainly.ph/question/1481167
Ano ang kasingkahulugan ng pihikan?
https://brainly.ph/question/1515867
Anong kahulugan at kasalungat ng pihikan?
https://brainly.ph/question/1496697