Sagot :
Ang kahulugan ng Mapa ay pagsasalarawan ng kalakihan, mga lokasyon at tinatayang kalawakan ng isang lugar gamit ang mga simbolo at pagpapahiwatig ng kaugnayan ng mga rehiyon at tema na nagsasaad ng kalawakan at hulma nito.
Ang Mapa ang patag na paglalarawan ng mundo
Iba't-ibang Uri ng Mapa
- Mapang Pisikal-ipinakikita ang likas na katangian ng bansa.
- Mapa ng Klima - ipinakikita ang lagay ng panahon sa loob ng ilang buwan sa iba't-ibang bahagi ng bansa.
- Mapang Pangkabuhayan - ipinakikita ang uri ng mga pangunahing pananim, mga produkto, at industriya ng isang pook.
- Mapang Pulitikal - ipinakikita ang lawak ng hangganan na gawa ng tao at mga katangiang kultural.
- Mapa ng kalatagang-lupa (relief map sa Ingles) - uri ng mapa na nagpapakita ng mga topograpiya (mababa o mataas na lugar).
- Mapa historikal o mapang pangkasaysayan - uri ng mapa na nagpapakita ng makasaysayang lugar tulad ng tanggulan, bahay ng mga bayani, parke at iba pa.
- Mapa ng transportasyon - Itong uri ng mapa ng daan ay nagpapakita ng mga daan, riles ng tren, paliparan, aklatan at iba pa.
- Mapang kultural o mapang pangkalinangan - uri ng mapa na nagpapakita ng mga museo, teatro, at iba pa.
- Mapang botanikal/Mapang soolohikal - uri ng mapa na nagpapakita ng mga natatanging hayop at halaman.
- Mapang demograpiko - nagpapakita ng populasyon sa bawat rehiyon
- Mapa ng piloto/Mapang aeronotikal - Nagbibigay ng impormasyon sa mga piloto. Nakalagay rito ang mga airport/landing strips/runways/navaids/VORs/ILS frequencies at ang Air traffic Frequencies/Airspaces at marami pang iba.
Para sa dagdag kaalaman tignan ang link na ito tungkol sa Iba't-ibang uri ng mapa: https://brainly.ph/question/18980
Kahalagahan ng mapa
- Upang maunawaan ang mga daan at subway sa mga bagong lugar.
- Upang makalkula ang distansya sa pagitan ng dalawang lugar.
- Upang malaman kung may dalawa o higit pang mga landas sa parehong lugar at kung saan ay ang pinakamaikling.
- Maaari kaming makakuha ng impormasyon tungkol sa mga bundok, ilog, lambak o anumang iba pang bagay, na maaaring dumating sa daan, at maaari naming maghanda para sa na.
- Maaari naming makuha ang impormasyon tulad ng taas ng lugar o up at down sa kalsada.
- Mga hangganan ng lupa upang tukuyin ang pagmamay-ari.
- Ang mga lugar tulad ng mga bahay, farmhouses, mga mina ay maipapakita sa mapa.
- Maaari rin nating markahan ang mga pananim, ulat ng panahon, direksyon ng hangin, pag-ulan sa mga mapa.
- Kailangan ng pamahalaan ang mapa upang mapanatili ang tala ng mga may-ari.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa mga kahalagahan ng mapa tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/99492
Mga Elemento Ng Mapa
Ito ay mga kailangan na sa mapa
- Titulo – Ito ay napakita na kung anong uri ang mapa.
- Legend – ito ang mga simbolo o markings na nasa mapa. Ito ay napakita kung anong mga pook na meron sa isang daanan.
- Iskala – ito ay napakita ang mga ratio sa pagitan ng sukat o distansiya ng mapa katumbas na sukat o distansiya ng mundo.
- Direksiyon – Marka ng (hilaga, timog, silangan, kanluran)
- Langitude at latitude – ito ay napakita ng heograpikal sukat na nasa mapa.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Elemento ng Mapa tignan ang link na ito:
https://brainly.ph/question/114239