Ayon sa teorya, maliban sa kamatayan, edukasyon ang masasabing “great social equalizer.” Dahil dito, nagiging pantay ang pagkakataon sa lipunan ng mga mayayama’t mahihirap. May paniniwala rin na sa isang mulat at edukadong lipunan, edukasyon din ang pinakamahusay na tagapagtaguyod ng demokrasya.