Maikling paglalarawan sa isang sektor na paaralan

Sagot :

Ang paaralan ay isa sa sektor ng ating lipunan, Ang paaralan ang pinaka importante o mahalagang sektor ng lipunan sapagkat dito hinuhubog ang kaalaman ng bawat mamamayan,simula sa kanilang  pagkabata ay dito na sila natuto ng mga bagay na magagamit nila para pagpapaunlad ng ating lipunan.

Iba pang Sektor ng pamahalaan

  1. Pamilya- maituturing na ito ang pinaka maliit na sektor ng pamahalaan, dapat sa pamilya nagsisimula ang pagkatuto ng mga mamamayan sa ating lipunan dapat sa pamilya palang ay tinuturuan na ng magandang asal, gayundin ang wastong pakikitungo sa kapwa. Sinasabing kung ang lahat ng pamilya ay mayroong magandang pagpapasunod di malayong makabuo tayo ng matatag at maunlad na lipunan.
  2. Simbahan- Ang layunin ng simbahan ay ituro sa mamamayan ang aspetong moralidad. Layunin nito na ang lahat ng mamamayan ay matuto sa mga aral ng diyos. nakakatuwang isipin na kung ang mga tao ay mayroong takot sa diyos sumusunod sa lahat ng kaloob ng diyos ay di malayong magkakaroon tayo ng tahimik at masayang lipunan.
  3. ekonomiya o mga negosyo- ito ang sektor ng pamahalaan kung saan nakapaloob ang pangkabuhayan ng mga tao sa lipunan, kung maunlad ang ekonomiya ng isang bansa ay matutugunan nito ang aspetong kahirapan ng mga tao sa lipunan.  
  4. pamahalaan- layunin nitong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bansa. Ang pamahalaan ang taga gawa at tagapag patupad ng mga batas na ang layunin ay mapanatili ang kaayusan sa ating lipunan.

buksan para sa karagdagang kaalaman:

paaralan noon at ngayon https://brainly.ph/question/298436

layunin ng paaralan sa lipunan https://brainly.ph/question/75162

layunin ng sektor ng pamahalaan https://brainly.ph/question/23127