Sagot :
Ang mensahe ng kwento ni Cupid at Psyche sa pamilya, sarili, lipunan, at pamayanan ay tungkol sa pagtanggap, pagmamahal ng walang kapalit, at ang pag-iwas sa pagiging hambog. Ang kwento ni Cupid at Psyche ay isa lamang sa mga kwentong tungkol sa pag-ibig sa Greek Mythology. Si Cupid ay anak ni Aphrodite, ang Goddess of Love, at ni Ares, ang God of War. Samantalang si Psyche naman ay isang napakagandang babae sa lupa. Ito pa ang ilan sa mga mensahe ng kanilang kwento:
Sa Pamilya
- Sa kwento ni Cupid at Psyche, malalaman natin na ang mga kapatid ni Psyche ay nainggit sa kanya dahil sa karangyaan at kayamanan ng kanyang napang-asawa. Dahil dito, sinabihan nila si Psyche na mag-ingat sa kanyang asawa at hindi tama na bawal makita ni Psyche ang mukha ni Cupid. Sinabi pa nila na baka halimaw ang asawa niya at mabuting patayin niya ito habang siya'y tulog. Nangamba at natakot si Psyche sa sinabi ng kanyang mga kapatid.
- Ang mensahe nito ay iwasan na mainggit sa magandang kapalaran ng iba, lalo't sa ating kapamilya. Mas mabuti ay maging masaya tayo sa tagumpay ng iba kaysa magpasakop sa inggit.
Kung nais mo pang alamin kung bakit kinailangan itago ni Cupid ang kanyang itsura at totoong pagkatao kay Psyche, i-click mo lamang ang link na ito https://brainly.ph/question/124028
Maari mo pang malaman kung ano ang kahinaan ni Cupid sa link na ito https://brainly.ph/question/127096
Sa Sarili
- Dahil sa hindi pagtitiwala ni Psyche, nilayuan siya ni Cupid. Ngunit dahil sa pagmamahal niya, lumapit siya kay Aphrodite upang makausap ito muli. Binigyan siya ni Aphrodite ng iba't ibang imposibleng gawain upang ito ay sumuko. At dahil na rin sa inggit ni Aphrodite sa kagandahan ni Psyche, nais niya rin itong mahirapan sa mga gawaing ibinigay niya rito. Ngunit dahil sa lalim ng pagmamahal ni Psyche, ginawa niya pa rin ang lahat upang makita muli si Cupid.
- Ang mensahe nito ay dapat na maging determinado tayo sa ating mga gusto sa buhay. At matuto din tayong umako ng ating mga pagkakamali.
Sa Lipunan at Pamayanan
- Dahil sa inggit at hindi pagtatanggap ng pagkakaiba, nagkaroon ng mga problema sa kwento ni Psyche at Cupid.
- Ang mensahe nito ay dapat na matuto tayong tanggapin na may mas magaling pa sa'tin sa kahit anong aspeto. Pero hindi natin ito dapat isipin na masama. Dapat na isipin natin na kahit na may mas magaling sa lipunan at pamayanan, gawin natin itong dahilan na pagsikapan pa at tulungan ang isa't isa na makamit ang nais katulad na lamang ng pagtulong ng mga iba pang diyos kay Psyche.
Ito pa ang mga ilang tauhan sa kwento ni Cupid at Psyche:
- Aphrodite - Goddess of Love
- Apollo - God of Music
- Zephyr - God of West Wind
- Demeter - Goddess of Harvest
- Zeus - God of Sky
- Persephone - Queen of the Underworld
- Mga kapatid ni Psyche
- Ama ni Psyche
Kung nais mo pang makahanap ng iba pang impormasyon sa kwento ni Cupid at Psyche, i-click mo lamang ang link na ito https://brainly.ph/question/125984