Ang pandiwa ay maaaring gamitin bilang aksyon, karanasan at pangyayari. Ginagamit ito bilang aksyon kapag may tagaganap o aktor ng kilos. Malinaw itong nakikita sa pamamagitan ng panlaping magma, mang, maki at marami pang iba. Ang pandiwa bilang karanasan naman ay kadalasang naipapahayag kapag may damdamin ang pangungusap at may tagaramdam ng emosyon o damdamin na nakapaloob sa pangungusap. Ang pandiwa naman bilang pangyayari ay nasasalamin sa aksyong naganap bunga ng isang pangyayari.