Sino-sino ang mga diyos at diyosa ng Olympus?

Sagot :

Olympus

Ang olympus ay isang lugar sa kabundukan na pinaniniwalaang tirahan ng mga diyos at diyosa ng Greece. Ito ay isang mito na ipinasa mula sa kanilang mga ninuno hanggang sa kasalukuyan, Maraming mga kwento ang naisulat tungkol sa Olympus.  

Mga diyos at diyosa ng Olympus

Ang mga sumusunod ay ang mga diyos at diyosa ng bansang Greece na nabanggit sa Olympus

  • Zeus - kilala bilang Jupiter sa Roma. Siya ang pinaka makapangyarihan sa lahat at ang diyos ng langit at hari ng Olympus
  • Hera - kilala bilang Juno sa Roma. Siya ang diyosa ng kasal at reyna ng Olympus. Siya ang asawa ni Zeus
  • Artemis - kilala bilang Diana sa Roma. Siya ang diyosa ng buwan
  • Poseidon - kilala bilang Neptune sa Roma. Siya ang kapatid ni Zeus at nakatira sa dagat. Siya ang diyos ng dagat
  • Hades - kilala bilang Pluto sa Roma. Siya ang diyos ng kabilang buhay at underworld. Kapatid nina Zeus at Poseidon
  • Aphrodite - kilala bilang Venus. Siya ang diyosa ng pag ibig at kagandahan,  
  • Apollo - siya ang diyos ng musika at pagpapagaling.  
  • Ares - kilala bilang Mars sa Roma. Siya ang diyos ng digmaan
  • Athena - kilala bilang Minerva. Siya ang diyosa ng karunungan
  • Hephaestus - kilala bilang Vulcan sa Roma. Siya ang diyos ng apoy
  • Hermes - siya ay kilala bilang Mercury sa Roma. Siya ay tagapag padala ng mensahe
  • Demeter - kilala bilang Ceres. Siya ang diyosa ng pag aani
  • Dionysus - kilala bilang Bacchus sa Roma. Siya ang diyos ng wine o alak

Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa mga konsepto o ideya na kaugnay ng paksa tungkol sa Olympus:

Ano ang kwento ng Olympus? https://brainly.ph/question/2065720

Ano ano ang mga simbolo ng diyos at diyosa ng Olympus? https://brainly.ph/question/1496150

Ipakita ang larawan ng Olympus https://brainly.ph/question/69392

#BetterWithBrainly