Gusi - malaking banga
na kadalasang pinaglalagyan ng kayamanan
Ang gusi ay nakatago sa ilalim ng lupa.
Sumibad - mabilis na umalis
Bigla na lang sumibad si Ate nang marining ang
pangalan ni kuya.
Tinigpas - pinutol gamit ang matalim na bagay
Mabilis na tinigpas ni tatay ang mga maliliit na
sanga sa bakuran.
Nakatinghas - nakatinding
Sa tuwing daraan ako sa lugar na ito, laging
nakatinghas ang balahibo ko sa likuran ng aking leeg.
Ipinukol- inihagis
Ipinukol niya ng mabilis ang sanga ng kahoy kaya
hindi ako nakailag
Umimbulog - lumipad paitaas
Marahang umimbulog ang mga laruang lobo nang
mabitawan ko ito.