Ang marginal thinking sa ekonomiks ay nangangailangan ng matinding pagtitimbang-timbang sa pagitan ng kabutihan o benepisyong idudulot ng isang bagong bagay kumpara sa gagastusing pera para mabili ito. Ito ay karaniwang ginagawa ng mga lider o pinuno ng kompanya kapag mayroong bagong makinarya ang binabalak bilhin.