paksa ng alegorya ng yungib ni plato

Sagot :

Ang paksa ng Alegorya ng Yungib ay ang epekto ng edukasyon at kakulangan nito sa lipunan. Inilalahad din dito ang kamangmangan ng tao at ang kawalan nitong makita ang katotohanan at karunungan.Ang mga paraan ng pagmamanipula ng mga pinuno na kulang sa pilosopikong kaisipan ay inilalarawan din sa sanaysay na ito. Isinalintulad dito ang lipunan na parang tabing na pinagtatanghalan ng mga tau-tauhan o mga papet kung saan ang mga mangmang na mamamayan ay prang taong nakakadena at hindi makakakilos.