“ Hindi mabubuhay ang pag - ibig kung walang tiwala". PakiExplain

Sagot :

Hindi mabubuhay ang pag - ibig kung walang tiwala, Sapagkat dapat ang dalawang taong nag-iibigan ay may tiwala sa isat-isa,ang taong iyong iniibig ay dapat mong pagkatiwalaan, dahil kung ang dalawang taong nag-iibigan ay walang tiwala sa isat-isa nangangahulugan lamang na hindi ganun kalalim ang pagmamahalan nila,Ang tunay na nagmamahal ay may respeto sa kaniyang kapareha,iginagalang ang mga desisyon ng kaniyang minamahal,maipapakita at maipaparamdam mo yan sa kaniya sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagtitiwala sa kanya dahil ang tunay na umiibig ay hindi sakim o madamot,ang tunay na nagmamahal ay handang umunawa sa kaniyang minamahal,handang magpakita ng pag-ibig na hindi naghihintay ng anumang kapalit.

Mga paraan ng pagpapakita o pagpapadama sa minamahal na may tiwala ka sa kanya.

  • Hinahayaan mo siyang mag desisyon para sa kanyang sarili maging sa maliit man ito o sa malaking bagay,andiyan ka lang sa kanyang tabi upang gumabay.
  • Hinahayaan mo siyang makisalamuha sa kanyang mga kaibigan o katrabaho.
  • Hinahayaan mo siya na kusang magtapat o magsabi sa iyo ng mga nangyayari sa kanyang pang araw-araw na buhay.
  • Hinahayaan mo siyang pumili ng mga gusto nya.

Ang mahalagang sangkap sa dalawang taong nag iibigan ang pagkakaroon ng tiwala sa isat-isa at takot sa diyos.Kung ang dalawang taong nag-iibigan ay may ganitong pananaw sa buhay,Tiyak na ang kanilang pag mamahalan ay pang habang buhay.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

Kahulugan ng tunay na  pag-ibig https://brainly.ph/question/865744

Bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig https://brainly.ph/question/535432

Gaano kahalaga ang pagtitiwala https://brainly.ph/question/1655149