Para sa bilang 5-10, punili ng titik ng tamang sagot ayon sa hinihingi na kaalamang-bayan sa bawat bilang isulat ang iyong sagot sa kalahating papel. a. tula/awiting panudyo b. tugmang de gulong c. bugtong d. palaisipan 5. Ako ay isang lalaking matapang, huni ng tuko ay kinakatakutan. Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo 6. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. (gamu-gamo) 7. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. (ampalaya) 8. Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang "para" sa tabi tayo'y hihinto. 9. Bayad muna, bago bumaba nang hindi ka mapahiya. 10. Sina Singko ay limang magkakapatid. Kung ang panganay ay si Uno, sino ang bunso sa kanila?