Sagot :
Answer:
Abu Bakr
- Siya ay isang arabe na Nagmula sa Palembang
- Siya ang kinikilalang nagpalaganap ng islam sa Sulu
- Pinagkalooban sya ng pangalang Sharif ul Hashim ng maging kauna unahang sultan nh itinatag nya ang pamahalaang Sultanato ng Arabia
Explanation:
Shárif ul-Hashím, iniuulat ding Abubakár (o Abubakr), ang kinikilálang unang sultan ng Sulu. Ang buong titulo niyang nakaukit sa túmba ay “Paduka Mahasari Maulana al Sultan Sharif ul-Hashim.” Ang “maulana” ay nangangahulugan ng “tagapagtanggol” at ipinantatawag sa isang iginagálang na guro at nakapag-aral na táo. Nagkakaisa ang mga tarsila na ang titulo niya ay “Sharif ul-Hashim” ngunit hindi binabanggit ng lahat na “Abubakar” ang kaniyang pangalan. Hindi rin tinitiyak ang panahon ng kaniyang pagkabúhay bagaman tinataya na bandang ika-15 siglo at nagsimula ang kaniyang pamumunò noong 1450.
Alinsunod sa mga ulat, si Abubakar ay isang Arabe mulang Palembang at Brunei at nagtungo sa Buansa, Sulu. Doon niya nakatagpo si Raha Baguinda, nanirahan sa piling niya, at hindi naglaon ay ikinasal sa anak na si Paramisali. Ipinahihiwatig ng mga ulat na malalim na ang ugat ng Islam sa Sulu nang dumating siya. Mga Muslim na ang mga datu at ibang pinunò na tumanggap sa kaniya at kumilála sa kaniya bilang unang sultan.