GAWAIN 3: MIYERKULES
Panuto: Basahin ang talata at Ayusin ang mga pangyayari batay sa wastong pagkakasunud-
sunod. Isulat ang letra A-E sa patlang bago ang bawat bilang.
Dalawang natural na kalamidad ang naganap noong dekada '90 sa Pilipinas. Maituturing
na makasaysayan ang mga pangyayaring naganap sa panahong ito. Naganap noong ika-16 ng
Hulyo, taong 1990 ang mapaminsalang lindol sa lungsod ng Baguio na kumitil ng maraming buhay.
Hindi pa man nakababangon sa pinsala ng napakalakas na lindol ang mga Pilipino ay naganap
naman ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong ika-15 ng Hunyo, taong 1991. Bago ang
pagsabog, nakaramdam ng mahihinang paglindol ang mga mamamayang naninirahan malapit
sa paanan ng bulkan noong buwan ng Marso at Abril gayundin ang pagtaas ng magma sa
bunganga ng bulkan. Noong ika-12 ng Hunyo, 1991 ay nagbuga ng napakakapal na usok ang
bulkan na dahilan upang makaramdaman ng takot ang mga mamamayan. Matapos ang
malakas na pagputok nito ay nagpatuloy sa pagbubuga ng abo ang bulkan hanggang buwan
ng Setyembre. Noong buwan ng Hulyo hanggang Oktubre, taong 1992 ay nagsimula namang
mamuo ang bagong lava dome sa bagong kaldera ng bulkan.
____1. Nagsimulang magkaroon ng bagong lava dome sa bagong kaldera ng bulkan.
___2. Nagbuga ng makapal na abo ang bulkang Pinatubo.
_____3. Naganap ang mapaminsalang lindol sa Baguio City.
_____4. Sumabog ang bulkang Pinatubo.
____5. Nakaramdam ng mahihinang paglindol ang mga mamamayan na nakatira mala
paanan ng bulkang Pinatubo.​


GAWAIN 3 MIYERKULESPanuto Basahin Ang Talata At Ayusin Ang Mga Pangyayari Batay Sa Wastong Pagkakasunudsunod Isulat Ang Letra AE Sa Patlang Bago Ang Bawat Bilan class=