Sagot :
Gamit ng Pandiwa at Mga Halimbawa
Kahulugan at Gamit ng Pandiwa
Ang pandiwa ay tumutukoy sa bahagi ng pananalita tungkol sa kilos o galaw ng paksa o aktor gaya ng tao, bagay o hayop.Ang gamit ng pandiwa sa pangungusap ay bilang aksyon, karanasan o pangyayari.
Pandiwa bilang Aksyon
-aksyon ang gamit ng panidwa kung ang aktor o ang paksa ang tagaganap ng aksyon o kilos. Ang mga pandiwa dito ay nabubuo sa pamamagitan ng tulong ng mga panlaping -um, nag, mag-, ma-, mang-,maki-, mag-an.
Halimbawa ng Pandiwa bilang Aksyon
- Nagwawalis ng bakuran si Ben habang nakikinig ng mga awitin sa radyo.
- Kumakain si Mario nang dumating ang kanyang hindi inaasahang mga bisita.
Pandiwa Bilang Karanasan
-karanasan ang gamit ng pandiwa kapag nagpapahayag ng damdamin, emosyon o saloobin ang tagaranas sa pangungusap.
Halimbawa ng Pandiwa bilang Karanasan
- Nagagalak si Adonis sa mga matatamis na ngiti ng kanyang kaharap.
- Nabighani si Venus sa tindig at kisig ng kanyang nakasalubong sa daan.
Pandiwa bilang Pangyayari
-pangyayari ang gamit ng pandiwa kapag ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.
Halimbawa ng Pandiwa bilang Pangyayari
- Namatay ang kabayo sa matinding uhaw at pagod sa bundok.
- Nasaktan ang binata sa pangingialam ng kanyang ama sa kanyang desisyon.
Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa Gamit ng pandiwa bilang aksyon pangyayari at karanasan
https://brainly.ph/question/127796
https://brainly.ph/question/129751
https://brainly.ph/question/127271
#BetterWithBrainly