Sagot :
Answer:
Ang tekstong naratibo ay tekstong may maayos na pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng impormasyon o pangyayari tungkol sa isang bagay o tao, totoo man o hindi. Ginagamit ang tekstong naratibo upang magbigay leksiyon sa mga bata sapagkat nagkakaroon ng moral lesson o matibay na konklusyon sa huling bahagi ng naratibo. Halimbawa ng tekstong naratibo ay ang maikling kuwento, alamat at nobela kung saan isinasalaysay ng maayos ang mga pangyayari.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Isang uri ng paglalahad at isinasagawa sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon. Ito ay naglalarawan ng tao, bagay, pook at pangyayari. Ito ay naglalayong magpinta ng isang matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa. Ito ay inihahalintulad sa isang larawan na kung saan kapag Nakita ito ng tumitingin ay para na din nilang Nakita ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Ngunit sa halip na pintura o pangkulay ang salita ang ginagamit ng mga manunulat upang lubos na maipakita sa isipan ng mambabasa ang isang larawan ng isang bagay, tao, pook, hayop,pangyayari, larawan, tagpuan, mga kilos o galaw o anumang. Ito ay tumutulong upang mabigyang buhay ang imahinasyon ng isang mambabasa. Ito ay naglalarawan o nagbibigay ng teknikal na detalye.
Tekstong persuweysib- ang kahulugan nito ay ang persuweysib ay paraan ng pagsulat na kung saan ay hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan sa isnulat mong tekstong persuweysib
Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano isagawa ang isang bagay o gawain. Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa “Chronological” na paraan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod. Ang layunin ng tekstong prosidyural ay magbigay ng panuto sa pambabasa para maisagawa ng maayos ang isang gawain.
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat ay kailangang maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan. Kinakailangang may matibay na ebidensya ang manunulat upang mapatunayan ang katotohanan ng kaniyang ipinaglalaban. Ang ilan sa mga ebidensya na pwede niyang gamitin ay sariling karanasan, kasaysayan, kaugnay na mga literatura, at resulta ng empirikal na pananaliksik.