lokasyon relatibo at inrteraksyon ng tao at kapaligiran ng saudi arabia

Sagot :

     Ang Saudi Arabia ay matatagpuan sa Eastern Hemisphere at Northern Hemisphere. Ang kaharian ng Saudi Arabia ay nasa bahagi ng Timog-kanlurang Asya sa pagitan ng Persian Gulf at Red Sea.
     Interaksyon ng Tao sa kapaligiran: Ang bansa ay kilala dahil sa panahon nila. Ang tag-araw ay napakainit at ang tag-lamig naman ay maalinsangan o mainit-init. Ang klima ng kanlurang bahagi ay tunay na mabuti sa pagsasaka. Ang lupain sa baybaying kapatagan ay mataba at maganda ang pagkatuyo. Ang magsasaka sa bansa ay hindi nakapagtanim ng sapat upang mapakain ang lahat ng populasyon sa bansa. Halos lahat ng pagkain ay imported. Ilan sa mga pananim nila ay mga gulay, melon, dates at trigo. Ang pinakamalaking paggawaan ng gatas sa buong mundo ay ang Saudi Arabia.