IV. Mga Gawain Basahin ang bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Ano ang hindi magandang dulot ng kolonyalismong Espanyol sa bansa? A.Nabawasan ang karapatan at kalayaang tinatamasa ng mga mamamayan lalo na ng mga kababaihan. B.Walang masyadong epekto ang pagdating ng mga Espanyol. C.Maraming mga Pilipino ang umunlad ang pamumuhay dahil sa magandang pagpapatakbo ng mga Espanyol. D.Dumami ang nakukuhang ginto sa mga kuweba na naging dahilan ng pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng mga Pilipino.
2.Ano ang dahilan kung bakit hindi naging matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ng mga prayle sa Cordillera? A.Dahil kinakatakutan ng mga prayle ang pangangayaw o headhunting. B.Dahil nahihirapan ang mga prayle na puntahan ang kanilang mga tirahan C.Dahil binibigyan ng mga katutubong Pilipino ng mga ginto ang mga prayle. D.Dahil hindi magkaintindihan ang mga prayle sa ginagamit nilang salita.
3.Sino ang namuno o naglungsad ng kauna-unahang jihad o banal na digmaan laban sa mga Espanyol? A.Raha Humabon B.Sultan Kudarat C.Lapulapu D.Tamblot
4.Ano ang nilalaman ng kasunduan na napilitang lagdaan ng mga Muslim dahil ginawang panggigipit sa kanila ni Gobernador-Heneral Juan Antonio de Urbiztondo? A.Maari silang magmina ng ginto at gagamitin nila ito bilang palamuti sa katawan. B.Maibabalik lamang sa mga sultan ang kanilang kabisera kung kikilalanin nila ang kapangyarihan ng pamahalaang Espanyol. C.Magkakaroon sila ng sariling lupain D.Hindi na sila magbabayad ng buwis
5.Bakit nilisan ng mga Espanyol ang Mindanao at itinuon na lamang ang kanilang misyon sa Luzon? A.Dahil natakot ang mga Espanyol sa mga Pilipino B.Dahil nakakuha na sila ng maraming ginto C.Dahil nakuha na nila ang kanilang mga lupain D.Dahil sa jihad o banal na digmaan
6.Anong gagawin mo kung ikaw ay nakatira sa Imus City at may ibang mga taong nais sakupin ito? A.Lalaban at hindi hahayaang maging sunod-sunuran sa mga mananakop B.Magtatago sa mga liblib na lugar. C.Iiyak hanggang sa maawa ang mga mananakop. D.Susunod sa mga pinag-uutos nila.
7.Ano-ano ang mga nabago sa pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas? A.Walang nabago B.Kultura at lipunan C.Pagiging Makabayan D.Pagtaas ng mga bilihin
8.Nabago ang uring panlipunan ng mga Pilipino, kung dati ay mga datu ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunan, sa pagdating ng mga Espasyol ay mga ___________ na. A.Espanyol B.Alipin C.Datu D.Timawa
9.Ano ang ibig sabihin ng pangangayaw? A.Pagputol ng ulo B.Pakikipagkaibigan C.Pakikisama D.Pakikipagtalastasan
10.Sino ang Gobernador-Heneral na nanggipit sa mga Muslim kaya sila napilitang lumagda sa isang kasunduan na labag sa kanilang kalooban? A.Miguel Lopez de Legaspi B.Ferdinand Magellan C.Juan Antonio de Urbiztondo D.Antonio Pigafetta