Sagot :
Answer:
Sa loob ng apat na dekada ng Ikatlong Republika, ang bansa ay pinamahalaan ng anim na pangulo kung saan ang bawat isa ay nagsasagawa ng iba’t ibang patakaran at programa para sa higit na ikasusulong at ikabubuti ng bansa.Si Manuel A Roxas ang naging unang pangulo ng Ikatlong Republika.Ilan sa mga suliraning kinaharap ni Roxas sa panahon ng kanyang panunungkulan ay ang sumusunod:1.Pag-aangat sa lugmok na ekonomiya ng bansa na sadyang naapektuhan ng digmaan. Dahil sa digmaan ay nasira ang mga impraistruktura, industriya, bukirin, at taniman at bumagsak ang bilang ng mga hayupan.2.Pagpapanatili ng pambansang seguridad na nanganib sanhi ng pagkilos ng mga Huk. Isang kapisanan ng mga magsasaka sa Kapatagang Luzon na naging kilabot na pangkat ng mga gerilya noong panahon ng Hapones, laban sa kanyang administrasyon.3.Pagbubuklod ng mga Pilipinong nahati dahil sa isyu ng kolaborasyon. Ito ang suliraning humati sa samahan ng mga Pilipino lalo na sa mga lider nito sa dalawang pangkat.