Sagot :
Answer:
Ang grabidad o hilabigat[1] ay isang natural na phenomenon kung saan ang mga pisikal na katawan(bodies) ay nabibighani o naaakit sa isang pwersang proporsiyonal sa mga bugat nito. Ang grabitasyon ay pinakapamilyar na ahente na nagbibigay ng timbang sa mga bagay na may bugat at nagsasanhi sa mga ito na bumagsak sa lupa kapat ito ay nahulog. Ito ay nagsasanhi sa mga nakakalat na mga bagay para magtipon at kaya ay nagpapaliwanag ng pag-iral, pagkakabuo at hugis ng mga bagay sa kalawakan kabilang ang mga planeta gaya ng mundo, mga bituin gaya ng araw, at iba pang mga katawang makroskopiko na makikita sa sansinukob. Ang "grabitasyon" ang sanhi ng: pagkakapanatili ng mundo at ng ibang mga planeta ng sistemang Pang-araw sa mga ligiran nito sa araw, pananatili ng buwan sa ligiran nito sa mundo, sa pagkakaroon ng mga agos at pagtaas at pagbaba ng antas ng tubig (pagkati at paglaki ng tubig), sa kumbeksyon (convection; kung saan umaangat ang mga maiinit na pluido sa pamamagitan nito), sa pagpapa-init ng mga panloob ng mga nabubuong mga bituin at mga planeta magpahanggang sa mga labis na pinakamataas na mga antas ng temperatura at marami pang ibang mga phenomena. Ang grabitasyon ay inilalarawan ng pangkalahatang relatibidad bilang kurbada o pagbaluktot ng espasyo-panahon na nangangasiwa ng mosyon ng mga bagay na tigal. Ang mas simpleng batas ng grabitasyon ni Newton ay nagbibigay ng isang tumpak na aproksimasyon para sa karamihan ng mga pisikal na sitwasyon. Ang grabitasyon ay isa sa apat na pundamental na interaksiyon ng kalikasan. Ang iba ay ang dagitabbalani, malakas na interaksiyon at mahinang interaksiyon. Ito ay mas mahina kung ihahambing sa tatlo pang pangunahing lakas, datapwa't mas malayo ang nasasakop nito.