Ano ang kahulugan ng Lipunan?

Sagot :

Kahulugan ng Lipunan

Ang lipunan ay isang grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal na binabahagi ang ibat-ibang kultura at mga institusyon. Ang lipunan ay kinapapalooban ng pamilya, mga institusyon at ibat-ibang istuktura sa paligid. Pagkakaisa ang pangunahing katangian na makikita sa isang lipunan.

   

Ang lipunan ay tinatawag na malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang nabubuong pag-uugali, ideya, at mga saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo, at itinuturing ang mga sarili bilang isang pamayanan o yunit.  Wika, sa malamang ang nauna sa kultura at lipunan. Ang wika o pagsasalita ay kauna-unahang gawi ng isang nilalang. Wika o pagsasalita ang gamit para makipag-ugnayan ang mga tao sa kapwa nito mga tao.  Sa pakikipag-ugnayan ay nabubuo ang isang kultura. At dahil naman sa pagdami ng kultura ng mga tao ay nakabubuo tayo ng isang lipunan.

Ang Estado sa Lipunan ay binubuo ng pamilya dahil ito ang pundasyon at nagpapatatag ng isang komunidad. Kaya mahalaga na maipamalas ng bawat isa ang knilang kakayanan para mapabuti ang isang lipunan. Ang isang lipunan ay kinapapalooban din ng ibat-ibang relihiyon at mga sekta. Ang panlipunang Institusyon o organisasyon ay ang mga sistematikong organisasyon na may mga napagkasunduang mithiin, layunin, mga interes at mga misyon. Kaya dapat nating maunawaan na ang lahat ng  mga tao sa mundo ay may kani-kaniyang papel sa lipunan. Ang kultura o mga nakaugalian ng mga tao sa isang lipunan.  Para mailarawan ang isang matiwasay na lipunan, maaring tingnan ang brainly.ph/question/14849

Lipunang Pampolitika

Ang lipunang pampolitika ay ugnayang nakaangkla sa mga pananagutan. Ito ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan. Iginagawad sa mga pinuno ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan ang grupo patungo sa pupuntahan, paglingap sa pangangailangan ng bawat kasapi, at pangangasiwa sa pagsasama-sama ng grupo. Ang pag-unlad ng lipunan ay hindi gawa ng pinuno lamang. Gawa ito ng mga pag-aambag-ambagan ng mga talino, husay, boses, at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan. Ang lipunan ay hindi lamang mayroong iisang kultura. Marami at halos nagkakaiba-iba  at nagbabanggaang kultura ang umiiral sa loob ng lipunan na sila ring  pare-parehong nagnanasa ng pagyabong.  brainly.ph/question/150062

Ang bawat lipunan ay dumaranas ng mga problema sa pagbuo ng istruktura nito kaya marami ang nagtatanong katulad ng mga sumusunod:

  1. Paano makagagawa at magiging produktibo ang mga  lipon ng sangkatauhan sa harap ng maraming mga kulturang ito?
  2. Paano magiging isa pa rin ang direksyon ng isang bayan sa pagkakarami ng mga tinig, boses, at lugar na gustong tunguhan ng mga tao?

Ang lipunan ay nangangahulugang "Lipon Ng Tao".  Dahil ang lipunan ay isang nasyon na pinagiisa ng aspetong sosyo-kultural at pulitikal. Bumubuo sa teritoryo, kultura at tradisyon ang isang lipon ng tao. Tayo ang istruktura ng lipunan kaya may mga tungkulin tayo na dapat gawin para maging tiwasay ang ating pamumuhay brainly.ph/question/810123.