Answer:
Ang Kanlurang Asya ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig—ang Africa, Asya, at Europa. Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain. Kasama rin sa Kanlurang Asya ang Iran, Israel, Cyprus, at Turkey. Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Nanggaling din dito ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig gaya ng Judaism, Kristiyanismo, at Islam.
Explanation: