26. Ang Kristiyanismo ay ang may pianakamalaking bilang ng mga taga-sunod
sa buong mundo. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng
katangian ng relihiyong ito?
A. Gumagamit ng bibliya o banal na aklat.
B. Relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo.
C. Si Kristo Hesus ang ipinangakong mesiyas at manunubos.
D. Naniniwala sa apat na dakilang katotohanan at Walong Dakilang
Daan.
27. Isa sa apat na pahayag sa Noble of Truths sa Budismo ay ang “Buhay ay
nangangahulugan na puno ng paghihirap”. Ano ang implikasyon nito sa
ating buhay?
A. Hindi maaring takasan ang kahiripan at kalungkutan sa buhay.
B. Kahit na magsumikap mararanasan parin ng tao ang paghihirap.
C. Habang nabubuhay hanggang kamatayan ang paghihirap ng tao.
D. Bahagi ng buhay ng tao ang makaranas ng paghihirap at pagdurusa tulad ng pagkakasakit, pinsala, katandaan at kalauna’y kamatayan.
28. Ano ang kalagayan ng mga kababaihan sa panahon ni Hammurabi?
A. Mababa ang pagtingin at minamaltrato.
B. Binibigyan ng kalayaang lumahok sa pamumuno.
C. Ginagalang at pantay ang karapatan sa mga kalalakihan.
D. Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote.
29. Ano ang kalagyang pulitikal ng mga kababaihan sa panahon ng
Kabihasnang Sumer, Indus at Shang?
A. Ang mga kababaihan ay pinapayagang lumahok sa pulitika.
B. Binibigyan ng kalayaang makapamili ng ihahalal na pinuno.
C. Ang karapatang pulitikal ng mga kababaihan ay protektado ng
kanilang batas.
D. Ang mga kababaihan ay hindi binibigyan ng karapatang lumahok sa
Pulitika.
30. Ang mga sinaunang kabihasnan ay nagbigay ng mga kapaki-pakinabang
na kontribusyon sa kasaysayan dahil sa kanilang taglay na abilidad. Paano
mo mapauunlad ang iyong kakayanan upang maging kapaki-pakinabang
na mamamayan?
A. Mag-aral at magtrabaho.
B. Bigyang-tuon ang mga walang kabuluhang bagay.
C. Sumama sa mga kaibigan sa paglalaro ng online games.
D. Mag-aral at maging bukas sa paglahok sa mga seminar, training ukol sa pagpapaunlad ng kasanayan.