Sagot :
Answer:
MGA AMBAG NANG SUMERIAN:
Isa sa mga ambag ng mga Sumerian ay ang sistema nang pagsulat na tinatawag ba na cuneiform kung saan naitala ang scribe sa mga clay tablet ang mahahalagang pangyayaring naganap.
MGA MAHAHALAGANG KONTRIBUSYON NG MGA KABIHASNAN
MGA AMBAG NG KABIHASNANG SUMER :
> Sistema ng pagsulat - Cuneiform
Paraan ng pagsulat ng mga Sumerian. Sa simula, mga marka lamang itong makikita sa pagdiin sa mga luwad na tableta. Gumagamit ang mga eskriba ang isang maliit na patpat na tinatawag na stylus.
> Imbensyon - Gulong
Mula sa pagkakaimbento ng mga Sumerian sa gulong, mas napadali ang pagbubuhat ng mga bagay at mas napadali ang paggawa. Sa pagkatuklas nila ng gulong, naimbento nila ang unang karwahe.
> Matematika - Algebra
Sa prinsipyong ito ng Matematika, ginagamit ang sistema ng pagbilang na nakabatay sa 60, paghahati o fraction gayundin ang Square Root.
> Imprastraktura - Ziggurat
Gusaling itinayo ng mga Sumerian. Umaabot ng 7 palapag at may templo sa pinakangtuktok ng gusali.
MGA AMBAG NG KABIHASNANG INDUS:
>Sanskrit
-Ang Wikang Sanskrito ay isang sinauna at klasikong wika ng Indiya. Ang wikang ito ay pangunahing ginagamit sa liturhiya ng mga relihiyong Hinduismo,Budismo, at Jainismo. Ito rin ay isa sa 22 dalawang opisyal na wika ng Indiya.
>Urban planning
- Ang pagpaplano ng lungsod, pagpaplanong urbano, o pagpaplano ng bayan ay isang prosesong teknikal at pampolitika na nakatuon sa pagtaban ng paggamit ng lupain at pagdidisenyo ng kapaligirang urbano, na kinabibilangan ng mga network ng transportasyon, upang magabayan at matiyak ang maayos na pagpapaunlad ng mga pamamayani ng mga tao at mga pamayanan.
MGA AMBAG NG KABIHASNANG SHANG:
>Sistema ng pag-sulat
- Calligraphy
>Bronzeware
-Gumitaw sa Tsina ang kulturang bronse bago ang 3,000 BC at umabot ito sa kasukdulan noong ika-13 siglo BC. Ang mga bagay na yari sa bronse ay hindi lamang nakaapekto sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga tao kundi gayun din sa armas ng estado.
>Paggamit ng oracle bones
- Ang oracle bones ay mga piraso ng mga buto o talukap ng pagong na ginagamit sa panghuhula kapag iniinit at binabasag. Tipikal itong ginamit sa mga ritwal ng dinastiyang Shang sa Tsina at pagkatapos, tipikal na nakasulat ang panghuhula, na kilala bilang kasultang butong orakulo.