Batay sa binasang tekstong pinamagatang "Cyberbullying", pagnilayan ang sumusunod na sitwasyon at iugnay ito sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid maging sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Isulat sa dyornal ang iyong mga kaisipan. (FIIPB-IIId-99 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig)
1. May kasabihang walang mambu-bully kung walang magpapa-bully. Ano-ano ang gagawin mo upang maiwasang maging biktima ng cyberbullying?
2. Kung sakaling ikaw o isa sa mga kapamilya o malapit na kaibigan mo ang magiging biktima ng cyberbullying, ano ano ang gagawin mo o ninyo upang mapigilan ang ganitong uri ng pang-aabuso at mapanagot ang taong gumagawa nito?
3. Kung ikaw ang nambu-bully ngayon at nalaman mo ang masasamang epekto nito sa biktima mo na maaring bumalik sa iyo sa mga darating na panahon, ano ang gagawin mo upang makabawi sa nagawang pagkakamali?
4. Bakit mahalaga ang pagiging responsable sa paggamit ng internet at laging pagsasaalang-alang sa pahayag na "Think before you click"?