Sagot :
Pangatnig= tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita,parirala o sugnay na pinagsunod-sunod sa isang pangungusap.
Halimbawa: AT,PATI,SAKA,NI,MAGING,SUBALIT,NGUNIT,KUNG,
Meron ding walong uri ng pangatnig:
1. Pamukod = ito ay ginagamit sa pagbubukod o pagtatangi halimbawa nito/ o,ni,at,man,maging
Halimbawa: Hinugasan ni Jelay ang aking kinainang plato.
2. Panubali = ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan halimbawa nito/ kung,sakali,disin,sana,kapag.
Halimbawa: Sana bago sumapit ang kapaskuhan ay dumating na ang itay.
3. Paninsay = ito ay ginagamit kung sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang pangalawang bahagi nito. Halimbawa nito/ kahit,kahiman,ngunit,dapatwat,subalit,samantala,bagaman
Halimbawa: Lahat ng kagustohan mo ay ibinigay niya,kahiman nagawa mo parin siyang lokohin.
4. Pananhi = ito ay nagbibigay ng dahilan o katuwiran para sa pagkakaganap ng kilos halimbawa nito/ sapagkat, dahil sa,sanhi sa,mangyari
Halimbawa: Mapapatawad ko lahat ng ginawa niya ,sapagkat mahal ko siya.
5.Panapos = ito ay nagsasabi ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita halimbawa nito/ sa wakas.upang, sa lahat ng ito, sa di kawasa
Halimbawa : Matagal ang ginawang pagtatalumpati ng isang kandidato sa wakas natapos din ito.
6. Panlinaw = ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuang ng isang nabanggit
Halimbawa: Nagkausap-usap na ang magkakaibigan, kung kaya sila ay magkakasundo na muli.
7. Panimbang = Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan halimbawa nito/ anupat,at saka,pati
Halimbawa ; Si Enso pati si Selya ay isinama ng kanilang lola sa pagsimba.
8. Pamanggit = ito ay gumagaya o nagsasabil amang ng iba,tulad ng daw,raw,di umano,sa ganang akin
Halimbawa ; Si Laurence daw ay tumama sa lotto ng jackpot.
i-click ang link para sa dagdag kaalaman;
https://brainly.ph/question/1202767
https://brainly.ph/question/125757
https://brainly.ph/question/287855