Answer:
Palatandaan:
Handa akong magbigay ng aking sarili upang makatulong sa pagpapabuti ng kapakanan o buhay ng aking kapwa.
Hakbang:
Nakikilahok ako sa mga programa ng komunidad para sa mga batang naninirahan sa lansangan. Mayroong feeding program at mga programang pang-kalusugan.
Kaugnay:
Pagtulong sa kapwa
Palatandaan:
Kinikilala ko ang karapatan ng bawat miyembro ng aming pamilya.
Hakbang:
Iginagalang at inirerespeto ko ang aking mga magulang at mga kapatid. Pinakikinggan ko anuman ang kanilang mga payo dahil alam kong para rin ito sa akin. Hindi ko hinahayaan ang aking sarili na magsalita ng hindi maganda sakaling napagsasabihan nila ako. Bagkus iniintindi at isinasaisip ko ang kanilang mga sinasabi.
Kaugnay:
Paggalang at pagrespeto