Answer:
Ang inyong katawan ay templo, isang kaloob mula sa Diyos. Pagpapalain kayo kapag inalagaan ninyo ang inyong katawan. Sundin ang Word of Wisdom (tingnan sa D at T 89). Kapag sinunod ninyo ang batas na ito, mananatili kayong ligtas sa mga nakapipinsalang pagkalulong at makokontrol ninyo ang inyong buhay. Mabibiyayaan kayo ng malusog na katawan, listong isipan, at ng patnubay ng Espiritu Santo. Magiging handa kayong paglingkuran ang Panginoon. Huwag ninyong hayaang malinlang kayo ni Satanas o ng sinuman sa pag-iisip na kapag hindi ninyo sinunod ang Word of Wisdom ay higit kayong liligaya, mas magiging popular, o mas kaakit-akit.