Sektor ng Industriya



need help.:(​


Sagot :

Answer:

Suliranin ng Sektor ng Industriya

Suliranin Epekto Kawalan ng malaking kapital upang tustusan ang pangangailangan sa produksyon Kakulangan ng produkto at pagtaas sa presyo nito. Mga White-elephant projects (Proyektong walang pakinabang) ng pamahalaan Pinsala sa mga mamamayan at kapaligiran. Kakulangan sa hilaw na materyales Pagbabawas sa produksyon at pagtaas sa presyo ng produkto. Malayang pagpasok ng murang produkto mula sa ibang bansa dahil sa import liberalization. Pagsasara ng mga lokal na industriya at pagkawala ng hanapbuhay ng maraming mamamayan.

Sangay ng Pamahalaan na Tumutulog sa Sektor ng Industriya

• Department of Trade and Industry (DTI) – Gumagabay sa mga mangangalakal sa pagtatatag ng negosyo.

• Board of Investments (BOI) – Tinutulungan nito ang mga nagsisimulang industriya at humihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa.

• Philippine Economic Zone Authority (PEZA) – Tumutulong sa mga mamumuhunan na maghanap ng lugar upang pagtayuan ng negosyo.

• Securities and Exchange Commission (SEC) – Nagtatala at negrerehistro sa mga kompanya sa bansa.

Pangunahing layunin ng sektor ng industriya ang maiproseso ang mga hilaw na materyal upang makabuo ng mga produkto na ginagamit ng tao.

• Ang sektor ng industriya ay binubuo ng pagmimina, pagmamanupaktura, konstruksyon at utilities.

• May tatlong uri ng industriya ayon sa laki – cottage industry, small and medium scale industry at large- scale industry.

• Mahalaga ang sektor ng industriya sapagkat gumagawa ito ng mga produktong may bagong anyo, hugis at halaga, nagbibigay ng empleyo, pamilihan ng mga tapos na produkto at nagpapasok ng dolyar sa bansa